Cryto Mining Guide Q and A

Welcome po sa lahat. Sa mga baguhan at natatanong kung Pano po mag mine?, Pano magstart sa mining, pano mag invest sa mining at iba pang pang common na question. Dito ka mag start magbasa.

Q: Profitable paba ang mining?
A: Hindi na po, wag na po kayo dumagdag para hindi na tumaas ang difficulty (Bazzzinga!)

Q: Newbie po ako paano mag start?
A: Magbasa-basa ka muna, search mo sa google or sa youtube, maraming videos jan na nag explain about cryptocurrency, bitcoin, mining, blockchain and etc.

Q: Nalilito po ako, ano exactly po ang issearch ko sa google/youtube?
A: Search mo to “What is cryptocurrency?”, “What is bitcoin?”, “What is bitcoin mining?”, “What is blockchain?”, “How does bitcoin mining work?”.

Q: Nakapag basa-basa na po ako gusto ko na mag start pero sabi hindi na raw ang profitable ang bitcoin, pano na yan?
A: sabi ko nga sayo hindi na profitable eh.. Joke lang.. Search ka ulit about “Alternative to bitcoin”, “Ethereum”, “Zcash”, “What coin is profitable?”.

Q: Yes, buti nalang pwede pa ako mag mine, pano na ako mag start?
A: Either build ka ng sarili mong rig or bili ka ng hash (cloud mining).

Q: Gusto ko pong bumili ng rig, anung specs po ba kailangan ?
A: Technically any computer na tumatakbo pwede ipang mine, pero para maging profitable sya, kelangan malakas ang GPU mo (Graphics Processing Unit or video card). Good luck nalang sa paghahanap ng hardware.

Q: Eh pag gusto naman mag cloud mining pano po yun?
A: Bili ka lang ng hash sa mga cloud mining provider, ingat ka lang baka ma HashOcean ka. Personally I am using  Genesis since June 2016, just use this code to purchase hash power: "Sxe2rR"

Q: Anu naman po yung ASIC?
A: Yun yung mga device na may sole purpose so solve specific algoritm (e.g. SHA256) - in short Bitcoin lang ang pwede nyang i-mine or other coin with SHA256 algorithm. FYI: marami pang coin using SHA256 , and may ASIC din for SCYPT algo (Litecoin, WorldCoin), kesa mag ASIC ako, mag cloud mining nalang ako (my own opinion, not a recommendation)

Q: So mas mganda pala ang GPU kesa sa ASIC?
A: Yes, kasi sa GPU pag hindi na profitable ang isang coin, lipat ka sa ibang coin na pwedeng I mine. At yung GPU mismo pwede mong ibenta pag ayaw mo na. Not unlike ASIC usually magiging display nalang sya pag di na profitable.

Q: Magkano naman po puhunan pag magbubuo ako ng sariling rig?
A: Depende din sa dami GPU mo, mga around ~40k may 2 GPU kna and ~120k for 7 GPU(good luck ulit sa pag hahanap ng GPU),

Q: Pano mo malalaman daily income mo?
A: 1. check mo hash/sols ng card mo.
check mo sols mo dito - http://zcashbenchmarks.info/
check mo hash mo dito - https://getpimp.org/pimps-corner/hashrates/
2. then lagay mo hash/sols mo sa calculator (https://www.cryptocompare.com/mining/calculator)
Note: estimates lang yan may factor ang difficulty, luck, exhange rate, settings and etc....

Q: Gusto ko lang po mag try muna sa maliit, anu po bang pinaka mura na pwede ako mag start?
A: Kung meron kang existing PC na merong PCIe slot pwede na yan, you can start from 1-2 GPU (at least di kna magpapalit ng PSU), and hunt for AMD Rx400/500 series or Nvidia GTX 1060/1070 so that will cost you more or less 30k, at the current rate meron kang around P300/day, Figures are rough estimated and availability of the cards din. So good luck ulit

Q: Hindi po ba ako malulugi pag nag invest ako ng 100k ?
A: Lahat po ng papasukin mong investment may risk, pero mag babasa basa nalang po kayo dito sa group, nagkakaubusan na ng GPU dahil palugi na ang mga yan… seryoso, check mo mining calculator/profitability para ma tantsa mo kung lugi kana or kikita ka pa.

Q: Gano katagal/kabilis po ang ROI.
A: Check mo ulit ang calculator/profitability magkakaroon ka na ng estimate ng ROI based dun.

Q: Malakas po ba sa kuryente ang isang rig? Pano ko malalaman ang consumption ko sa kuryente?
A: Oo malakas, I total mo lahat lahat ng power draw power ng GPU plus yung system (board). Or gamit ka na wattmeter na sinaksak sa wall meron sa Ace nito Omni brand.

Q: Sa rig po, anung magandang Board?
A: Mas maraming PCIe slots mas maganda. Para mas maraming GPU ang maisalpak.

Q: Kelangan po ba mabilis ang internet ko?
A: Hindi, kahit mahina lang internet mo (kbps) pwede na, ang importante consistent and hindi pa-DC-dc..

Q: Ilang GPU ang pwede sa motherboard ko[insert motherboard brand and model here] ?
A. Heto ang basic, I count mo lang yung slots ng PCIe either 1x, 4x, 8x or 16x yan kung ilang yung total nila yan ang kayang i-support ng board mo. Bigyan kita ng tip pra kahit di mo bilangin. Heto tip. Alamin mo yung chipset ng board mo - usually nsa model nya yan. Minsan yung board na may kaparehong chipset, same lang din ang damit ng slots nyan. Example MSI Z170A GAMING PRO CARBON may 7slots, same number lang din ng Gigabyte GA-Z170X-Gaming 5,
Pero sa Asrock Z170 Extreme7+ pati Biostar GAMING Z170X Ver. 5.x 6slots lang, kasi tinipid sya ng asrock at biostar, pero ang Asus Z170-A is 7 slots din.. Baka Middle market ang target nag asrock and biostar, tpos highend market nman target ng MSI, GB and Asus, analogy ko lang.

Q: Kung yung previous answer is Basic, anu po yung advance?
A: May mga board kasi na supported ang M.2 slots, like Z270 chipset, pwede mong lagyan ng adapter yun na M.2 to PCIe, tpos may icoconfigure ka sa bios ng board mo pra ma-enable mo yun. then yun, may additional slots ka na, so far ang nakita kong running na maximum is 8 GPU using MSI 270, 6 PCIe, 2 M.2 slots.

Q: May existing PC po ako, pano ko po malalaman kung ilan ang PCIe slots nya, eh di ko po alam kung anung model ng board ko, medjo matagal na kasi to nawala ko na ang box.
A: Open mo command prompt, then type mo ito. [wmic baseboard get product,Manufacturer,version,serialnumber], tpos search mo yung model na lalabas jan then bilangin mo na ulit kung ilang PCIe slots.

Q: Anu pong magandang brand ng GPU.
A: Gusto mo bang magkaroon ng world war 3? Pag sinabi kong Brand A, magagalit ang Brand B, pag Sinabi kong brand X, magagalit si Brand Y, so this question is your personal preference.
Personally, I prefer from best to better order: MSI, ASUS, GIGABYTE, Sapphire. Again this is my personal preferences and not my recommendation. Tsaka, wag ka nga pla mamimili ng brand, pag may nakita kang rx470 or rx480 bilhin mo na agad kahit na ba Magnolia ang brand nyan. kasi sobrang rare na nyan, mas rare pa sa Rhinoceros ng africa.

Q. May i5 po ako pwede ba tong ipang mine? Or upgrade ko sa i7?
A: Hindi kelangan, sa mining ang gumagawa ng trabaho is GPU mo, mas mahinang processor - at mahinang kain sa kuryente mas maganda (check TDP ng processor mo). Celeron or Pentium pwede na, pinaka mura mas ok, check mo rin compatibility ng board mo.

Q. May 8GB ram po ako kelangan ba i uprade ko pa sa 16GB?
A: Hindi kelangan, atleast 4GB lang kelangan so yang 8GB mo pwedeng pwede n yan... Para lang sa OS ang ram, hindi tlga sa mining. Dahil may sariling RAM ang GPU.

Q: Pwede po ba ipang mine ang Laptop, lumang pc, Server, Cellphone, Tablet, Pablet, [insert electronic device here], at kung anu-anu pang device na may let?
A. Lahat po ng device na pwedeng installan ng mining software pwede po ipang mine. Ang next question nalang po jan is kung profitable ba sya? And the Answer is BIG NO!, masisira nalang yung device mo di kapa nkaka payout, still GPU parin ang pinaka profitable or (latest model ng ASIC), I remember during doge days, pwede mo ipang mine ang browser mo (kokonect ka lang sa isang site tpos mag rurun sya ng javascript code ayun nag mimine na) profitable naman mga 1 month siguro 1 doge coin = 60sats pa that time..

Q: Kelangan po ba LCD, LED, AMOLED or kung anu anu pang highend monitor?
A: No need, di kelangan ng Monitor(screen), one time mo lang sya kelangan, initial set up lang, After nun installan mo ng remote application (TighVNC , TeamViewer or even default Remote Application ng Windows) for monitoring.

Q: Anung OS po gagamitin ko?
A: Kahit ano pwede , Windows (10 suggest pag maraming GPU) or Linux kung marunong ka.

Q. Ano po yung mining pool?
A: Kung nag search ka ng “How does bitcoin mining work?” malalaman mo na ang binibigyan lang ng reward (new coins) is yung nkaka solve ng algorithm, kung solo miner ka near to imposible yun dahil sa taas ng difficulty, so kelangan mong sumali sa mining pool, pra dun lahat ng mining power nyo pagsasamahin ng pool para mas madali ma solve ng pool ang algorithm, tpos yung reward paghahatian nyong lahat ng kasama sa pool.

Q. Pero pwede parin po ako mag solo mining?
A: Pwede walang pumipigil sayo, Good luck.

Q: Pwede ko bang gamitin yung driver na MSI kung ang GPU ko is ASUS?
A: Kelangan mong maintindihan to.. Chipset : either Radeon(owned by AMD purchased from ATI) or GeForce (owned by nVidia) Brands : MSI, Palit, ASUS, GIGABYTE and etc.
Kahit anung brand pa yan basta same chipset (ex. MSI GTX 1070, and Palit GTX 1070) still ang driver nyan is the same parin which is Geforce. Same goes with Radeon: GIGABYTE RX470 (kahit anung version pa) and ASUS 470 (other brands) the same driver can be used.

Q: Anu yung mining software(miner), at anu ano ang example nito, alin ang pinaka maganda?
A: Heto yung software na irurun mo pra sya ang mag bibigay ng task na ipprocess naman GPU mo, example nito Nicehash, SILENTARMY, GENOIL, Claymore (heto gamit ko), CGMiner, sgminer, ccminer and manymore, lahat yan mganda, may kanya kanyang pros/cons, at depende din sa coin na imamine mo. icheck mo lang yung site ng miner para malaman mo ang pros/cons nila.

Q: Ano po yung riser?at para saan sya?
A: Heto yung ginagamit na extension pra sa GPU mo.Para ilayo mo ang GPU mo sa board mo. mas malayo mas mganda ang airflow at pra mapagkasya mo ang mararaming GPU mo sa board mo.

Q: Kelangan po ba naka-aircon (AC) ?
A: Kung mayaman ka why not :) tsaka kala ko ba concern ka sa kuryente pa aircon aircon kapa. Joke lang.. Kelangan lang maganda ang airflow mo, para ma dissipate(maitaboy) ang mainit na hangin palayo sa GPU mo. May nagsasabi rin na di sya maganda dahil since malamig yung hangin galing sa AC, nag cacaause daw ng malagkit na alikabok sa fan ng GPU. basta Golden rule kalangan mganda lang ang airflow.

Q: Ano po yung difficulty? And pano po ito nakaka affect sa akin income?
A: Yun yung mechanism ng network pra maging mahirap ang pag find ng next hash. The more miner na pumapasok sa network, the more na tumataas din yung difficulty, and the more na mataas ang dificulty, that means maraming miner, so back to rewarding… marami kayong mag hahati sa reward.

Q: 24 hours po ba ang mining? or i-on ko lang pag trip ko (trip trip lang)
A: wala nman nagsasabi na dapat 24 hours ka mag mine, pero tulad lang yan ng pagttrabaho. mas matagal kang nag ttrabaho mas malaki kita mo.. kung trip trip ka lang sa trabaho mo, ehh baka mapag tripan ka ng boss mo :D

Q: Ano po yung Red Team and Green Team? Bat may ganon?
A: Red team = AMD(Radeon) Green Team = NVIDIA (Geforce), di ko rin alam bat may team, prang AlDub lang, or DongYan.

$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$
$$$$$$$$$USAPANG PERA$$$$$$$$$$$$
$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$

Q: Pano po mag create ng BTC(or other coin) wallet address?
A: Maraming way, 1st and recommended is download mo yung wallet application mismo. Kaya sya recommended kasi nakakatulong ka sa network dahil may copy ka ng blockchain mismo. Yun nga lang dahil sa laki ng blockchain(100 or more GB) eh baka di na magkasya sa drive mo. so I suggest 2nd, create ka ng mga online wallet (blockchain[dot]info) or mga client wallet like Jaxx and other. Or 3rd gamit ka ng wallet ng mga exhanges (like Poloniex and BitTrex), though personally I dont recommend this, baka ma Mintpal ka nman dito (oldies knows why) :)

Q: Safe po ba sa blockhain[dot]info?
A: There’s no such thing as safe and impenetrable in this digital space, seriously, kahit sony nga na hahack, kahit banko nahahack, and even government office. Kahit yang phone mo, pwedeng ma hack or mapasukan ng malware yan. The good thing about blockhain[dot]info, they’re doing every steps available to secure their system, and they’re in the busines since Aug 2011, I’ve been using it since 2014, and they got a lot of big names [backers/investors] so hindi sya pipitsugin. Enough for this hype. Seriously they’re doing their part to secure your wallet(e.i 2fa), so do you part also by securing your private keys.

Q: Bakit po yung ibang transaction ko galing blockchain[dot]info hindi nakarating sa paroroonan?(either you receive or you sent).
A. Back to the transaction fee, did you pay the recommended fee, or binarat mo? Dont worry, check mo lang yung transaction id mo sa blockchain explorer, baka nasa limbo(mempool) pa yun, matata transact din ya, manalig ka lang :) and good luck.

Q: Pano po magiging PHP yung bitcoin ko or other Alto Currency?
A: kung hindi pa yang BTC I convert mo muna into BTC using exchange (Poloniex, BitTrex and others, pero yan lang gamit ko) then pag BTC na sya, pwede mo syang ibenta into PHP using coins[dot]ph or buybitcoin[dot]ph, may mga sarilit silang requirements and terms pra makapg open ng account, sila so basa basa ka ulit. Another way pra i-convert to PHP is benta mo sa kapwa mo miner (or dito sa group pag may gustong bumili) ingat ka nga lang…

Q: May bayad po ba ang pag padala ng bitcoin, magkano if meron, san napupunta yung bayad?
A: Yes meron, dahil gumagamit ka ng network, kelangan mo magbayad. Ang bayad depende sa transaction, tip ko lang. Wag kang barat, kundi makakahanap ka ng forever… forever nansa mempool yung transaction mo (hindi macoconfirm), yung bayad mo mapupunta sa mga miner (yung yung reward mo nung ikaw ang nag mimina).

Q: Anu nman po yung Mempool?
A: Yun yung pool ng mga transaction sa network. Bago ipasok sa blockhain yung transaction mo nakastambay muna sa mempool yung transaction mo, tpos ang mga miner(or rather the network), pipili ng mga transaction na mataas ang bayad, at yung ang unang ipapasok sa blockchain. So dahil barat ka… ayun forever kang nasa mempool.
Check mempool here : https://blockchain.info/charts/mempool-size?timespan=all

Q: Ano naman po yung confirmation(number of confirmation)?
A: Yun yung mga transaction na confirm or napasok sa blockchain. Habang tumataas ang blocks tumataas din ang confirmation number mo. example : kung yung transaction mo pumasok sa blocks 5000, and ang current blocks it 5010, ibig sabhin may #10 number of confirmations kana.

Q: Bukod sa mining pano po ako magkakaroon ng BTC(or other coins).
A: Pwede kang bumili using PHP nabangit ko na sa taas, pwede karin mag participate sa mga ICO, pwede ka rin mag trading(caveat learn more about trading), pwede karing bumili sa mga miners, pagtyagaan mo ang faucet and marami pang ibang ways.

Q: Anu po yung ICO?
A: ICO or Initial Coin Offering, ito yung processing kung sang ang mga creators ng mga new coins na lalabas plang ay nag raraise ng funds to sustain development. Parang stocks lang din (IPO) Initial Public Offering, instead na stocks/shares ang iniisue/binibenta ay coins for that new technology or coin.

Q: Anu pong pwedeng manyari after ICO?
A: Dalawa lang yan, either malugi ka kasi bababa ang price ng coin na binili during launch, or kumita ka ng more than pa sa ininvest mo, may mga case na nag x2, x5, x10, x1000 na coin since ICO, prang kage bushin technique.

Q: Bakit po tumataas or bumababa ang price ng coin after ICO?
A: Depende parin kasi kung papatok sa masa yung coin, kung mganda ang feature/technology nya at tinangkilik ng mga mamayayan (Cryptizen), edi jackpot ka, kung di nman pumatok eh, bawi nalang next time.

Q. Anu po yung faucet? sa pagkakaintindi ko gripo ito sa tagalog..
A: tama ka sapag kakaintindi mo gripo nga yan. pero hindi tubig ang lumalabas, kundi coins. pero di kalakihan, pagtyagaan mo lang, mga around 0.000000xx BTC ang lalabas...

Q. Ang hirap nman ng 0.000000xx may iba pabang unit ang BTC? prang Nanometer sa Meter.
A. OO meron, satoshi ang tawag jan, or sat bale 1 Sat = 0.00000001 BTC. So yung lumalabas sa faucet mga nsa 1sat - 100sats... good luck

Q: Sino po nakaimbento ng Bitcoin?
A: Yung matalik kong kabigigan si bestfrind Satoshi Nakamoto., Kaso di ko na alam kung nasan na.. Seenzone nya ako.
Well alias nya lang yan, walang nakakaalam ng tunay na pagkatao nya., Kahit FBI hindi ma trace kung sino sya, Kasi after nyang mapagana yung bitcoin network, inabandoned nya na, so ang nag mamaintain ng BTC sourcecode ngayon is yung community na. Open source naman sya eh.

Q: Anu naman po yung isa pang coin yung Ethereum?
A: Itatama lang kita, hindi coin ang Ethereum, Platform po sya based on blockhain technology.

Q. Ahhhhmmmm ??? pa explain pa po. Anung kaiba nya sa Bitcoin?
A. Prang ganito, ang bitcoin is distributed currency and lahat ng transactoin is nasasave sa blockhain, Ang ethereum nman is a distributed platform build based on blockchain technology din. Tapos pwede kang gumawa ng application on top of ethereum network. Isipin mo yung ethereum google apps store or iTunes, pwede kang gumawa ng application and yung application mo pwedeng magkaroon ng sariling currency, yung dalawang example ko, owned and operated by Google and Apple, but in ethereum no one owns the network, so kahit anung applicaion ang gawin mo isalpak mo sa network pwede yun.

Q. Anu pong example ng mga application na na tumatakbo na sa Ethereum?
A. Check Augur, Golem Network, Gnosis, Aragon and others.

Q. Sabi nyo po hindi coin ang Ethereum so anu ang coin nya or anu yung rewards for mining?
A. Ether

Q: Bakit po ang taas na ng difficulty ng ETH.
A: Dahil yan sa tinatawag n "difficulty bomb" kasama kasi sa program ng ethereum ang difficulty bomb or ang pagtaas ng difficulty at certain time. pra narin to hindi mamanipulate ng big miners ang network. habang tumatagal lalong tumaas ang diffulty so mahihirapan ang mga big companies na macontrol ang network.

Q: Ano po ang PoS (Proof of Stake)
A. Heto yung isang mining type kung saan hindi work (producing hash) ang basehan, kundi ang pag hohold lang ng coin sa wallet mo. habang nkahold(store,tago,deposit) ang coin sa wallet mo, at nka open ito for staking, nagpprocess na ito ng mga transaction in return babayaran ka ng network based salaki ng coin n nka store sa wallet mo.

Q: Magiging PoS na po ba ang ETH?
A: Ayun ang sabi sa next major version release nila (Metropolis version).

Q: Ano po yung Casper?
A: Friendly ghost.. di, heto yung codename nila for PoS.

Q. Bakit po may Ethereum (ETH) and may Ethereum Classic (ETC) ?.
A. Mahabang kwento, pero paiksiin ko nalang, One of the application that was build on-top of Ethereum platforms is The DAO and raised $150M USD(Yes po dollar) and the biggest crowdsale for crypto world. kaso na hack yung DAO and lahat ng funds hinigop ng hacker into another application. Fast forward natin this resulted to a fork of Ethereum para ma recover yung funds ng mga investors which is now the ETH, then yung ibang devs ng Ethereum hindi sila nag agree sa fork kasi para sa kanila dapat ang pinaka core feature ng decentralized is no-one-controls-the network. So ang ginawa nila continue lang nila yung original Ethereum(yung may DAO na hack) and it becomes ETC. for more detailed info coindesk[dot]com/understanding-dao-hack-journalists
Linawin ko lang, hindi po Ethereum network ang na hack ah, yung DAO lang ang hack, Ang ginawa kasi ng hacker gumawa sya ng sarili nyang App na ang ginagawa is widrawhin lahat ng funds ng DAO contracts, Forem ethereum network perspective it is valid as long as it complies with the Contracts.

Q: Ano nman po yung Zcash(ZEC), ZClassic (ZCL) and ZenCash(ZEN)? Magkakapatid ba sila?
A: Zcash is the original coin among this three, now a group of developers.
More info: may private fork din ang Zash yung Hush Coin.

Lahat po ng tanong dito is base narin sa mga kadalasang tinatanong, Minsan dahil sa pa-ulit ulit na yung tanong, tinatamad ng sumagot (yung mga marunong) at kawawa naman yung baguhan dahil feeling nya na se-seenzone lang sya. Ang totoo, nasagot na kasi yung tanong mo, natabunan lang..

Ang mga sagot naman dito sa mga tanong ang purong opinyon ko lang at base narin sa pag ka kaintindi, limitado lang din po ang alam ko kaya kung may mali man akong sagot, paki comment nalang po at itatama natin.

Bottom line, basa-basa lang po talaga, lahat ng resources available na sa google and youtube.

“Crytocurrency is the next big thing since World Wide Web…”
Malapit na tayong yumaman.. Pera nalang at Video Card ang kulang :D

Pag nabasa mo tong part na to, sa malamang marami ka ng natutunan, wag mo akong kalimutan pag yumaman ka ah.. Heto wallet ko di po di po ako tumatangi sa tip: BTC: 3Jv4D2gFYsN4Rd8pCNjyUkvcGF51eTTLq6

Usefull links: Exchanges: https://bittrex.com/ , https://poloniex.com/ , bitfinex.com
Wallets: blockchain.info, https://coins.ph/m/join/jwrshj
Ethereum: https://www.myetherwallet.com/

Credits to CryptoMiners PH Group

No comments:

Post a Comment

Featured post

About Bitcoin